Noong una kong marinig ang tungkol sa pelikulang Avatar, ang pumasok sa isip ko ay ang batang si Aang--isang air bender na bida sa isang cartoon series. Pero nang napanood ko ang teaser nito sa internet nalaman kong malayo pala ito sa tinutukoy kong bata.
Ang Avatar ay tungkol sa isang paralitikong sundalo na si Jake. Ipinadala s’ya sa planetang Pandora para pumalit sa kapatid niyang doktor. Ang Pandora ay pinananahanan ng isang lahi ng mga humanoid--ang mga Navi’s.
Kung napanood mo na ang Pocahontas, masasabing may pagkakahalintulad ang dalawa. Dagdagan mo lang ng sci-fi twist. Parehong indigenous o katutubo ang love interest ng bida at parehong naging mga kalaban ang superiors nila. Ang malaking pagkakaiba, sa halip na tao ay isang alien ang heroine, isang higanteng asul na Navi.
Isa pang nakakuha ng interes ko ay nang malaman ko na si James Cameron pala ang director nito,uy sino ‘yun? Si James Cameron lang naman ang taong nag-direct ng Titanic. Oo, ganun s’ya kagaling. At tulad ng Titanic hindi niya sinayang ang ibinayad ko sa sinehan. Maganda ang istorya ng pelikula at mahusay ang pagkakalikha ng mga computer generated na characters. Kahit hindi ka na bata matutuwa ka sa Avatar at sa mga nilalang sa Pandora.
Pero bakit Avatar ang title ng pelikula? Ang Avatar kasi ay mula sa isang salitang Sanskrit na “Avatara” na ang ibig sabihin ay pagbaba. Sa mitolohiya ng India ang mga Avatars ay mga diyos na nag-anyong tao at bumaba sa lupa para makisalamuha sa mga tao. Anong koneksyon nito sa title? Hindi ko din sigurado pero ang bidang si Jake at ang scientist na si Grace ay nag-anyong Navi, gamit ang makabagong teknolohiya--isa itong proseso kung saan inililipat ang kamalayan mula sa tao patungo sa isang artificial Navi na tinatawag na Avatar Nakikipamuhay sila sa mga Navi habang pinapagaralan ang kilos at kultura nila.
Ang labanan sa pagitan ng mga tao at Navis ay masasabi kong highlight ng pelikula. Baril at missiles ng mga tao laban sa pana, lumilipad na mga pets at higanteng mga Navis.
Tulad din sa tunay na buhay naging sakim ang mga tao sa pelikula. Sa paghahanap ng kayamanan, winasak nila ang sagradong gubat ng mga Navi’s. Ito din ang dahilan kung bakit tinalikuran ni Jake ang sarili n’yang lahi at naging mandirigma ng Navi. Totoong maganda ang pelikula sa lahat ng aspeto kahit sa maliliit na detalye. Kaya hindi katakatakang naging blockbuster ito sa takilya. Ang hinihiling ko lang sana may sequel.
pasabi kay edukada anong url nila nabura ko ang kanila sa aking mas sa mas tnx
ReplyDelete