Pag-ibig, isang salitang maraming kahulugan at depinisyon, depende sa taong tinatanong mo. Isa ito sa mga misteryong hindi kayang ipaliwanag ng siyensya tulad ng kahulugan ng buhay, kamatayan, stonehedge, multo, sumpa ng mummy at hiwaga ng Bermuda Triangle. Noong high school madalas nating makita ang tanong na “What is love?” sa mga slum note, dati baduy na baduy ako sa tanong na ito kaya ang isinusulat ko na lang ay “Love is blind”. Oo, corny dahil panahon pa yata ni McArthur nabuo ang sagot na ‘yun.
Noong 3rd year nabago ang sagot ko sa tanong na “What is love?”, dahil dito ko naranasan ang unang tamis ng pag-ibig. Naging “Love is the greatest thing in the world” na. Nang mag-break kami pagkaraan ng ilang buwan naging “Love is like a poison, it can kill you slowly” na ang sagot ko sa gasgas ba tanong. Memorable daw pag nagmahal ka sa unang pagkakataon at mas memorable pag nasaktan ka dahil dito.
Noong 4th year, muli akong umibig pero dito ko nalamang malaking bagay pala ang distansya sa itatagal nang isang relasyon. Pagtungtong ko ng unang taon sa kolehiyo, nag lay low muna ako sa pag-ibig. Kaya lang “Love will always find its way” ika nga dahil bago matapos ang ikalawang semester may nakilala akong dalaga. Niligawan, napasagot pero hindi rin pala siya ang aking tadhana. Mas madalas ang away kaysa lambingan. Hindi ko alam pero tila pinaglalaruan kami ng tadhana, alam kong mahal namin ang isa’t isa pero malayo ang distansya naming dalawa at para hindi na umabot sa puntong mawala ang katiting na paggalang at ituring naming kaaway ang isa’t isa ay ipinasya naming maghiwalay na. Inaamin kong nakatulong ito para mas maging matibay ang relasyon naming dalawa bilang magkaibigan.
Matapos ang ilang buwan, nagkaroon uli ako ng kasintahan, pero nang nagtagal nagkasawaan na. Dumating pa sa puntong niloko namin ang isa’t isa. “In love lying is inevitable” sabi nga ng isang DJ sa radyo. Parang paglubog ng araw ang naging ending naming dalawa. Nawala ang liwanag at tila nagdilim ang dating liwanag sa puso namin. Isang bitter break-up. Pagkatapos niya tila napagod na akong magmahal. Corny pero alam kong nadurog ang puso ko dahil sa kanya, naisip kong kasalanan ko ang lahat. Nakilala ko ang alak pero hindi ko siya ginawang libangan. Mapait, mahal at masakit sa ulo kinabukasan - yan ang naging impresyon ko sa kanya, tulad ng isang kasintahan iniwan ko rin s’ya at doon ko nakilala si “blog”.
“Love has many forms”, oo naging obsesyon ko ang pagsusulat sa blog at pag-ibig maging sa opresyon sa malayang pamamahayag. Minahal ko ang sining ng pagsulat kahit walang kasiguruhang mamahalin din ako ng mga akda at salitang aking isinusulat ang pagsusulat ang aking naging bagong kasintahan, ang aking naging sandigan at kasama tuwing Valentines.
Isang BLOGsite mula sa isang Baliw na manunulat ng isang College Dyaryo. :]
ADIK LANG ANG NAGBABASA NITO!
DI BALE NANG TAMAD, DI NAMAN PAGOD
Saturday, June 26, 2010
Friday, June 18, 2010
BADTRIP EXTREMENESS
Badtrip na mundo bakit lagi na lang ako? Sa loob ng mga taong inilagi ko sa kolehiyo hindi iilang bese na naranasan kong ma-badtrip sa buong mundo - terror na teacher, hardcore exams, saradong mga C. R., sirang mga armchairs, pilahan sa enrollment, bokyang quizzes, supladong guards at lintang classmates. Sa bahay minsan badtrip din - utol kong maninira ng comic book, si ermats pagnagtatalak sa umaga, si erpat pag nag-uutos maglinis ng bahay, ‘yung aso kong madalas gawing banyo ang loob ng bahay at ‘yung computer kong may magnet sa virus. Sa publikasyon ng kolehiyo doon ko talaga nararanzsan ‘yung badtrip extremeness. Walang pondo, opresyon at kung anu-ano pang eklat. Kung sinumang adik ang nagpasimula ng konsepto ng badtrip, nagpapasalamat ako dahil kung ‘di dahil s akanya eh malamang galit na ang lahat ng tao sa mundo “Hindi ako galit ‘no! Badtrip lang!”.
Saan kaya nagsimula ang badtrip? Tingin mo nabadtrip din kaya si Noah noon “Badtrip! Bakit gugunawin ang mundo?”. Si Samson kaya “Badtrip! ‘Yung buhok ko!”, si Alexander the Great habang nasa India “Badtrip! Ang layo ko na pala sa amin”. Si Julius Ceasar habang sinasaksak “Arrggh! Badtrip mga traydor!”, eh si Napoleon Bonaparte “Badtrip! Natalo ako sa Waterloo”. Si Hitler “Badtrip! Malapit na dito ang allies”, eh paano kaya si Churchill “Badtrip! Sumuko na ang France!”.
Eh paano kugn Spanish Era pa pala ‘yung konsepto ng badtrip at paano kung si Lapu-lapu pala ang naunag nagsabi nito? “Badtrip! Ano ‘yung armas nila? Bakit pumuputok?”. Pwede ring si Rizal “Badtrip! Ipapatapon daw ako sa Dapitan”.
Kung kanino o kailanman nagsimula ang badtrip wala na rin akong pakialam dahil muli na naman akong nabadtrip nang-- “Aaahh! ‘Yung rubber shoes ko sinira ng daga! Badtrip!”.
Saan kaya nagsimula ang badtrip? Tingin mo nabadtrip din kaya si Noah noon “Badtrip! Bakit gugunawin ang mundo?”. Si Samson kaya “Badtrip! ‘Yung buhok ko!”, si Alexander the Great habang nasa India “Badtrip! Ang layo ko na pala sa amin”. Si Julius Ceasar habang sinasaksak “Arrggh! Badtrip mga traydor!”, eh si Napoleon Bonaparte “Badtrip! Natalo ako sa Waterloo”. Si Hitler “Badtrip! Malapit na dito ang allies”, eh paano kaya si Churchill “Badtrip! Sumuko na ang France!”.
Eh paano kugn Spanish Era pa pala ‘yung konsepto ng badtrip at paano kung si Lapu-lapu pala ang naunag nagsabi nito? “Badtrip! Ano ‘yung armas nila? Bakit pumuputok?”. Pwede ring si Rizal “Badtrip! Ipapatapon daw ako sa Dapitan”.
Kung kanino o kailanman nagsimula ang badtrip wala na rin akong pakialam dahil muli na naman akong nabadtrip nang-- “Aaahh! ‘Yung rubber shoes ko sinira ng daga! Badtrip!”.
Sunday, June 13, 2010
BAKASYONG ADIK
Malapet na pasukan pero bakasyon mode pa din ang utak,katawan at kaluluwa ko..,Masaya bakasyon ko eh madaming nangyare (Hush,Hush) at madaming nakilala(paNEXT,JeJeMons etc.) pero pinakamasaya talaga sa lahat eh paliligo sa dagat dahil doon ko napatunayang totoo pala si AGUA, Oo nakita ko siya sa dagat kasama si KOKEY Surreal nga eh.Naiyak pa ko sa tuwa di ko kasi iniexpect na sila makita ko samantalang si RUBI talaga ang inaasahan ko na aahon sa dagat (WET LOOK Tsong)...Nasiyahan din ako sa pag labas ni TADO sa Showtym sayang nga lang at natalo si ERAP noong halalan pero ok na din si NOYNOY kasi maganda naman girlfriend nia,So PaNEXT! Yoko din pala dun sa PBB housemate na si TRICIA mukhang JejeMon kahit kahawig niya yung bida sa scandal na napanood ko dati.(Wag sanang mabasa ni NANAY). Nagpalipad din pala ako ng saranggola,gawa sa plastik at ting-ting pro kasing laki ng BOEING 757. TAMA na to nandyan na yung me ari ng bahay baka mahuli pa ko eh umakyat lang naman ako dito para kumuha ng panty ng kapitbahay naming paNEXT, Remembrance lang sana bago siya pumuntang JAPAN.
-BOY AFRO :]
-BOY AFRO :]
Argh! Ang Pantog namin! It's Gonna Blow!
Baket Lageng Sarado ang CR ng I.T? ,,,Ito ang bagong kababalaghan sa aming kolehiyo... Noong una sabi nila me naglilinis daw na WhiteLady pero ayon sa imbestigasyon ng ilang estudyanteng Adik ginawa daw itong hideout ng mga alien na planong sakupin ang Earth. At tulad ng dati 'No Comment' pa din ang Admin tungkol dito. Nangangamoy conspiracy! Hindi kaya mga alien lahat ng staff ng kolehiyo? Saan kami iihi? At bakit walang tissue sa C.R? Sino ang dapat sisihin at gawing pader na ihian?...
Argh! Ang Pantog namin! It's Gonna Blow!
Argh! Ang Pantog namin! It's Gonna Blow!
Subscribe to:
Posts (Atom)