ADIK LANG ANG NAGBABASA NITO!

DI BALE NANG TAMAD, DI NAMAN PAGOD

Friday, June 18, 2010

BADTRIP EXTREMENESS

Badtrip na mundo bakit lagi na lang ako? Sa loob ng mga taong inilagi ko sa kolehiyo hindi iilang bese na naranasan kong ma-badtrip sa buong mundo - terror na teacher, hardcore exams, saradong mga C. R., sirang mga armchairs, pilahan sa enrollment, bokyang quizzes, supladong guards at lintang classmates. Sa bahay minsan badtrip din - utol kong maninira ng comic book, si ermats pagnagtatalak sa umaga, si erpat pag nag-uutos maglinis ng bahay, ‘yung aso kong madalas gawing banyo ang loob ng bahay at ‘yung computer kong may magnet sa virus. Sa publikasyon ng kolehiyo doon ko talaga nararanzsan ‘yung badtrip extremeness. Walang pondo, opresyon at kung anu-ano pang eklat. Kung sinumang adik ang nagpasimula ng konsepto ng badtrip, nagpapasalamat ako dahil kung ‘di dahil s akanya eh malamang galit na ang lahat ng tao sa mundo “Hindi ako galit ‘no! Badtrip lang!”.
Saan kaya nagsimula ang badtrip? Tingin mo nabadtrip din kaya si Noah noon “Badtrip! Bakit gugunawin ang mundo?”. Si Samson kaya “Badtrip! ‘Yung buhok ko!”, si Alexander the Great habang nasa India “Badtrip! Ang layo ko na pala sa amin”. Si Julius Ceasar habang sinasaksak “Arrggh! Badtrip mga traydor!”, eh si Napoleon Bonaparte “Badtrip! Natalo ako sa Waterloo”. Si Hitler “Badtrip! Malapit na dito ang allies”, eh paano kaya si Churchill “Badtrip! Sumuko na ang France!”.
Eh paano kugn Spanish Era pa pala ‘yung konsepto ng badtrip at paano kung si Lapu-lapu pala ang naunag nagsabi nito? “Badtrip! Ano ‘yung armas nila? Bakit pumuputok?”. Pwede ring si Rizal “Badtrip! Ipapatapon daw ako sa Dapitan”.
Kung kanino o kailanman nagsimula ang badtrip wala na rin akong pakialam dahil muli na naman akong nabadtrip nang-- “Aaahh! ‘Yung rubber shoes ko sinira ng daga! Badtrip!”.

No comments:

Post a Comment