ONE DAY
Matisyahu
Sometimes I lay
under the moon
and thank God I'm breathing
then I pray
don't take me soon
cause I am here for a reason
sometimes in my tears I drown
but I never let it get me down
so when negativity surrounds
I know some day it'll all turn around
because
all my life I've been waiting for
I've been praying for
for the people to say
that we don't wanna fight no more
they'll be no more wars
and our children will play
one day x6
it's not about
win or lose
we all lose
when they feed on the souls of the innocent
blood drenched pavement
keep on moving though the waters stay raging
in this maze you can lose your way (your way)
it might drive you crazy but don't let it faze you no way (no way)
sometimes in my tears I drown
but I never let it get me down
so when negativity surrounds
I know some day it'll all turn around
because
all my life I've been waiting for
I've been praying for
for the people to say
that we don't wanna fight no more
they'll be no more wars
and our children will play
one day x6
one day this all will change
treat people the same
stop with the violence
down with the hate
one day we'll all be free
and proud to be
under the same sun
singing songs of freedom like
one day x4
all my life I've been waiting for
I've been praying for
for the people to say
that we don't wanna fight no more
they'll be no more wars
and our children will play
one day x6
ooooooooooooooooooohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!
Full lyrics yan...ganda ng mensahe ng kanta! World Peace mhen!
Isang BLOGsite mula sa isang Baliw na manunulat ng isang College Dyaryo. :]
ADIK LANG ANG NAGBABASA NITO!
DI BALE NANG TAMAD, DI NAMAN PAGOD
Sunday, January 31, 2010
Sunday, January 24, 2010
Eskriba
Mga taong may dedikasyon sa pagsusulat ang myembro ng aming publikasyon. Ipinagmamalaki ko sila dahil dito at dahil hindi kayang pigilan ng kawalan ng pondo ang ispiritu ng malayang pamamahayag-isinilang ang ESKRIBA ,ito ang opisyal na pangpader na dyaryo ng aming kolehiyo. Lingguhan ang paglilimbag kahit nakadikit lang sa mga bulletin boards.
Eksenang ESKRIBA
“Oy,Ok to ah ang ganda ng dyaryo natin!”
“Eh bakit nasa pader? Yan na yung binayaran natin nung enrollment?”
“Ok na rin yan kesa saw ala diba?”
“Wala yan sa itsura nasa content yan!”
“Grabe! Naiyak nga ako sa tuwa nang makita ko yan eh at least alam nating may publikasyon pa tayo”
Kaya sa mga KaTRIBO ko sa THE BEAT, kina SAVAGE PANDA, Ms.Hush, Striker, Lady Oracle, VooDooGirl, MonkeyBoy, The Silence, CaLaMiTy, AquaGurL , aT BLooDy Zarah wag sana kayong magsawang magsulat.
Ituloy ang nasimulan nina Ate Glaiza, Mam Fhe, Kuya Kisses at Kuya Tapire at sana madagdagan pa tayo this year.
Mabuhay ang Malayang PAMAMAHAYAG!
-DARK HOLLOW

Ibigay mo na ang pondo namin Bheybeh!
“Ang ginagawa mo sa iyong kapatid ay siya ding ginagawa mo sa akin”
-Papa Jesus
Kung totoo ang sinabing ito ni Bro, siguradong matagal na nyang tinadyakan ang Admin ng aming kolehiyo.
Sa pagkakait ng pondo sa aming publikasyon marami na din kaming pasakit at disappointments na naranasan. Kung bakit wala kaming pondo eh hindi ko din alam, ang alam ko at nang lahat ng estudyante sa kolehiyo mayroon kaming dyaryo dahil binabayaran namin ito.
Kung may mga Congress at seminars na kailangang puntahan ang mga staffs ng publikasyon eh malamang na 80% ang tsansang hindi ito mapuntahan. Baket? Natural dahil wala na naman daw pondo samantalang mayroong nakalaang pera para sa mga ganitong okasyon. Hindi naman pag-aaksaya ng pera ang pamumuhunan para umunlad ang kaalaman ng mga estudyante, una dahil bilang myembro ng publikasyon obligasyon naming ibahagi ang anumang matututunan sa mga kapwa namin estudyante at ikalawa karapatan namin ito.
Minsan tinatanong kami ng mga estudyante
“Uy writer ka ng College Dyaryo diba?,Asan na yung binayaran naming dyaryo?”
“Naku mga tsong di pa kasi binibigay yung pondo eh, waiting pa din yung dyaryo at literary folio”
“Teka matatapos na yung school year ah, baka grumadweyt na ko wala pa ring dyaryong napu-publish”
“Cool lang kayo mga pare kung gusto nyo itanong natin sa Admin kung kelan ma-pupublish yung dyaryo natin”
“Ah hindi na! Bubugbugin kana lang naming para ma-head line ka sa Ghost Dyaryo nyo!”
“Oo nga Let’s stone him to death!”
“Ipako sa krus!”

Thursday, January 21, 2010
Doon po sa Amin
Ang tindahan ni Aling Lily ang sentro ng umpukan sa aming baranggay, ang mga driver ng tricycle, mga manang na mahilig sa tsismisan at ilang nagja-jaming na kabataan ang karaniwang makikita mo sa harap ng tindahan. Dito din ako nakikipanood ng balita, Oo at may telebisyon kami sa bahay pero hindi ba’t mas cool manood habang naririnig mo ang mga kuro-kuro ng mga taong may iba’t ibang pananaw sa buhay. Marami akong nakukuhang entertainment value sa kanila lalo na sa mga tricycle driver, mahilig silang mag-debate na parang mga senador at mas mahilig silang magbuo ng makalaglag utak na mga conspiracy.
NEWS: Maguindanao Massacre
Driver 1: Kow! Kagulo sadya dyan sa Maguindanao.
Driver 2: Ala Eh! Kadaming pinatay! Kalupit naman ng dumaling iyon!
Driver 3: Naku baka iyan eh pakana ni Gloria di ba’t bata noon si Ampatuan?
Driver 1: Ay sa akin ding palagay,Pare.
Driver 2: Ala eh malay mo nama’y terrorista ang gumawa, kadami nyan doon eh.
Driver 3: Oo terrorista nga!, Terroristang nakatira sa Malakanyang!
(Tawanan)
Ako: Ho?(Nagkakamot ng ulo)
Si Aling Inday naman ang numero unong tsismosa sa amin, kung mahilig sa mainitang balitaktakan ang mga driver; ang showbiz balita naman ang forte ni Aling Inday.
NEWS: Krista-Manny Issue
Aling Inday:Eh sadya namang chickboy iyang si Pacquiao,Aba! kung ako yang si Krista eh papatol din ako at magpapabili ng ako Ferrari.
Aling Lily:(nakasilip sa bintana ng tindahan) Sus! Eh pagkagandang bata nareng si Krista at may pinag-aralan pa malabong pumatol are dine ke Manny Pacquiao.
Aling Inday:Kow! Eh kahit sino ka pa; pag pinahiga kana sa pera siguradong bibigay ka.
Ako: Pabili nga ho ng pulburon.
Driver: (Eepal): Kung ako ang ganyan kayaman tulad ni Pacquiao aasawahin ko na lahat ng seksing artista.
Aling Inday: Hmph! Manyak!
(Tawanan)
Aling Lily: Wala nang pulboron totoy!
Ako:Ah Sige ho yema na lang.
10 ng gabi nagsasarado ang tindahan ni aling Lily pero ang tugtugan ng mga kabataan tuloy-tuloy lalo na kung walang pasok sa eskwela kinabukasan. Nakiki-join ako sa kanila tuwing Sabado, hindi man ako kumakanta kasama naman ako sa tawanan at kwentuhang pang binata(Boy's Talk)
Tambay 1: Ganda nung bagong lipat dyan kina Aling Natty.
Tambay 2: Pokpok daw yun sabi ng kuya ko.
Tambay 3: Ulol! Hindi pokpok yun dahil magiging syota ko yun!
Tambay 2: Yabang! Pa-tule ka muna Boy!
(Tawanan)
Tambay 1: Ano nga yung paboritong tugtugin ng utol mo?
Tambay 2: Crazy For You pre
Tambay 1: (Titipa sa gitara) Tama ba?
Tambay 2: Oo Pare
(Magkakantahan)
Aso Ko: AWOOOOOOOOOO!

Wednesday, January 20, 2010
BAKIT AKO NAG-AARAL
Halos 70% ng buhay ko, iginugol ko na sa pag-aaral, ikalawang tahanan ko na ang eskwelahan at ‘di ko man ipinahahalata natutunan ko nang mahalin ang eskwelahan at ang mga taong nagtuturo dito—kahit ‘yung masungit na mga guards at saksakan ng sipag na mga utility (‘yung restroom ng department namin linisin n’yo naman ho).
Mula pa noong high school lagi ko nang tinatanong kung bakit kailangan kong gumising ng alas sinco ng umaga at pumasok limang beses sa isang linggo. Ang sagot ni tatay para raw matulungan ang bayan balang araw (politician?). Ang sagot naman ni nanay para raw hindi ako manatiling mangmang at nang may marating daw ako sa buhay.
Hindi biro ang mag-aral. Kailangan mong kumopya ng napakahabang aralin sa blackboard, magpuyat sa pag-aaral para may maisagot sa exam kinabukasan, magbabad ng magdamag sa harap ng kumpyuter para tapusin ang thesis at higit sa lahat kailangan mong isakripisyo ang buhay ng inosenteng palaka para pumasa sa subject na Biology (oh the horror, the drama of dissecting!). Inaamin ko ng hanggang ngayon minumulto pa din ako ng palakang pinatay ko para pag-aralan. Pero wala naman akong choice noon dahil kailangan ng may dumanak na dugo para ma-satisfy ang Biology teacher ko at ipasa ako sa subject n’ya (psychotic evil!).
Noong fourth year high school naman naisip kong masarap palang mag-aral. Kung kailan malapit na akong umalis sa aking paaralan, doon ko lang naramdaman na masaya din pala kung nasa loob ka ng eskwelahan. Dahil sa pag-aaral kaya ko nakilala ang mga makukulit kong barkada. Marami rin akong napuntahang lugar at minsan sa buhay ko naranasan kong igalang at pahalagahan ang mga guro na tila tunay kong mga magulang—kahit lagi nila akong nasesermunan at pinaglilinis ng silid-aralan.
Bago mag-kolehiyo muli akong nagtanong , “Dapat pa ba akong mag-aral?”. Marami akong kaeskwelang hindi na makakatuloy ng pag-aaral kahit sila mismo ay gusto pang pumasok sa kolehiyo. Una nang dahilan ang pera, totoong sa panahon ngayon matinding sakripisyo ang pag-aaral sa kolehiyo, hindi biro ang salaping gugugulin sa apat o higit pang taon. Depende sa kursong papasukan mo. Sa sarili ko, naisip kong mas mahirap kung hindi ako makakatapos, paano ang kinabukasan ko at paano ako makakatulong sa mga magulang ko. Hindi ako hinadlangan nina nanay at tatay. Sabi nga nila “Edukasyon lang ang tangi naming maipamamana sa iyo, sisikapin naming mapagtapos ka ng kolehiyo”.
Sa ngayon patuloy pa din akong nag-aaral, hindi man ako ang pnakamahusay sa mga asignatura sinisikap ko namang maipasa lahat kahit ang sakit sa pusong Physics at Trigonometry. Minsan pag nakaupo ako sa klasrum at nakikinig sa litanya ng guro, naitatanong ko pa din sa sarili ko, “Bakit ako nag-aaral at ano ang ginagawa ko dito sa mainit na silid-aralan?”. Iisa pa rin siguro ang dahilan. Makatapos ng pag-aaral at nang makatulong kina nanay at tatay na paunlarin ang bayan.

Subscribe to:
Posts (Atom)