Halos 70% ng buhay ko, iginugol ko na sa pag-aaral, ikalawang tahanan ko na ang eskwelahan at ‘di ko man ipinahahalata natutunan ko nang mahalin ang eskwelahan at ang mga taong nagtuturo dito—kahit ‘yung masungit na mga guards at saksakan ng sipag na mga utility (‘yung restroom ng department namin linisin n’yo naman ho).
Mula pa noong high school lagi ko nang tinatanong kung bakit kailangan kong gumising ng alas sinco ng umaga at pumasok limang beses sa isang linggo. Ang sagot ni tatay para raw matulungan ang bayan balang araw (politician?). Ang sagot naman ni nanay para raw hindi ako manatiling mangmang at nang may marating daw ako sa buhay.
Hindi biro ang mag-aral. Kailangan mong kumopya ng napakahabang aralin sa blackboard, magpuyat sa pag-aaral para may maisagot sa exam kinabukasan, magbabad ng magdamag sa harap ng kumpyuter para tapusin ang thesis at higit sa lahat kailangan mong isakripisyo ang buhay ng inosenteng palaka para pumasa sa subject na Biology (oh the horror, the drama of dissecting!). Inaamin ko ng hanggang ngayon minumulto pa din ako ng palakang pinatay ko para pag-aralan. Pero wala naman akong choice noon dahil kailangan ng may dumanak na dugo para ma-satisfy ang Biology teacher ko at ipasa ako sa subject n’ya (psychotic evil!).
Noong fourth year high school naman naisip kong masarap palang mag-aral. Kung kailan malapit na akong umalis sa aking paaralan, doon ko lang naramdaman na masaya din pala kung nasa loob ka ng eskwelahan. Dahil sa pag-aaral kaya ko nakilala ang mga makukulit kong barkada. Marami rin akong napuntahang lugar at minsan sa buhay ko naranasan kong igalang at pahalagahan ang mga guro na tila tunay kong mga magulang—kahit lagi nila akong nasesermunan at pinaglilinis ng silid-aralan.
Bago mag-kolehiyo muli akong nagtanong , “Dapat pa ba akong mag-aral?”. Marami akong kaeskwelang hindi na makakatuloy ng pag-aaral kahit sila mismo ay gusto pang pumasok sa kolehiyo. Una nang dahilan ang pera, totoong sa panahon ngayon matinding sakripisyo ang pag-aaral sa kolehiyo, hindi biro ang salaping gugugulin sa apat o higit pang taon. Depende sa kursong papasukan mo. Sa sarili ko, naisip kong mas mahirap kung hindi ako makakatapos, paano ang kinabukasan ko at paano ako makakatulong sa mga magulang ko. Hindi ako hinadlangan nina nanay at tatay. Sabi nga nila “Edukasyon lang ang tangi naming maipamamana sa iyo, sisikapin naming mapagtapos ka ng kolehiyo”.
Sa ngayon patuloy pa din akong nag-aaral, hindi man ako ang pnakamahusay sa mga asignatura sinisikap ko namang maipasa lahat kahit ang sakit sa pusong Physics at Trigonometry. Minsan pag nakaupo ako sa klasrum at nakikinig sa litanya ng guro, naitatanong ko pa din sa sarili ko, “Bakit ako nag-aaral at ano ang ginagawa ko dito sa mainit na silid-aralan?”. Iisa pa rin siguro ang dahilan. Makatapos ng pag-aaral at nang makatulong kina nanay at tatay na paunlarin ang bayan.
wahhhh....nice...i have created my own..hehehe..
ReplyDeletetae ka!!!!
ReplyDeletepara sagutin ang mga inaasahan ng ating mga everythings...
ReplyDeleteka ironic mo ga hehe
ReplyDelete