ADIK LANG ANG NAGBABASA NITO!

DI BALE NANG TAMAD, DI NAMAN PAGOD

Sunday, January 24, 2010

Eskriba

Mga taong may dedikasyon sa pagsusulat ang myembro ng aming publikasyon. Ipinagmamalaki ko sila dahil dito at dahil hindi kayang pigilan ng kawalan ng pondo ang ispiritu ng malayang pamamahayag-isinilang ang ESKRIBA ,ito ang opisyal na pangpader na dyaryo ng aming kolehiyo. Lingguhan ang paglilimbag kahit nakadikit lang sa mga bulletin boards.

Eksenang ESKRIBA
“Oy,Ok to ah ang ganda ng dyaryo natin!”
“Eh bakit nasa pader? Yan na yung binayaran natin nung enrollment?”
“Ok na rin yan kesa saw ala diba?”
“Wala yan sa itsura nasa content yan!”
“Grabe! Naiyak nga ako sa tuwa nang makita ko yan eh at least alam nating may publikasyon pa tayo”


Kaya sa mga KaTRIBO ko sa THE BEAT, kina SAVAGE PANDA, Ms.Hush, Striker, Lady Oracle, VooDooGirl, MonkeyBoy, The Silence, CaLaMiTy, AquaGurL , aT BLooDy Zarah wag sana kayong magsawang magsulat.
Ituloy ang nasimulan nina Ate Glaiza, Mam Fhe, Kuya Kisses at Kuya Tapire at sana madagdagan pa tayo this year.
Mabuhay ang Malayang PAMAMAHAYAG!


-DARK HOLLOW

1 comment:

  1. SUMULONG SUMULAT MANINDIGAN AT MAGMULAT!
    SUMUSULAT LUMALABAN! MATAPANG!
    Itayo ang bandera ng mga mamamahayag ng mga kolehiyo!
    ASTIG to DRE!

    ReplyDelete