ADIK LANG ANG NAGBABASA NITO!

DI BALE NANG TAMAD, DI NAMAN PAGOD

Sunday, January 24, 2010

Ibigay mo na ang pondo namin Bheybeh!

“Ang ginagawa mo sa iyong kapatid ay siya ding ginagawa mo sa akin”
-Papa Jesus
Kung totoo ang sinabing ito ni Bro, siguradong matagal na nyang tinadyakan ang Admin ng aming kolehiyo.
Sa pagkakait ng pondo sa aming publikasyon marami na din kaming pasakit at disappointments na naranasan. Kung bakit wala kaming pondo eh hindi ko din alam, ang alam ko at nang lahat ng estudyante sa kolehiyo mayroon kaming dyaryo dahil binabayaran namin ito.
Kung may mga Congress at seminars na kailangang puntahan ang mga staffs ng publikasyon eh malamang na 80% ang tsansang hindi ito mapuntahan. Baket? Natural dahil wala na naman daw pondo samantalang mayroong nakalaang pera para sa mga ganitong okasyon. Hindi naman pag-aaksaya ng pera ang pamumuhunan para umunlad ang kaalaman ng mga estudyante, una dahil bilang myembro ng publikasyon obligasyon naming ibahagi ang anumang matututunan sa mga kapwa namin estudyante at ikalawa karapatan namin ito.
Minsan tinatanong kami ng mga estudyante
“Uy writer ka ng College Dyaryo diba?,Asan na yung binayaran naming dyaryo?”
“Naku mga tsong di pa kasi binibigay yung pondo eh, waiting pa din yung dyaryo at literary folio”
“Teka matatapos na yung school year ah, baka grumadweyt na ko wala pa ring dyaryong napu-publish”
“Cool lang kayo mga pare kung gusto nyo itanong natin sa Admin kung kelan ma-pupublish yung dyaryo natin”
“Ah hindi na! Bubugbugin kana lang naming para ma-head line ka sa Ghost Dyaryo nyo!”
“Oo nga Let’s stone him to death!”
“Ipako sa krus!”

2 comments:

  1. 1.walang nakakaalam dahil wala naman silang pakialam ang alam lang nila ay mambutas ng silya...
    2.nakakatakot naman yan malamang si edukada ang maunang madeds dahil sya lang ang naka press ID...

    ReplyDelete